Greetimga!! Familians din ako noon! Batch '70 Wala pa iyang building na iyan noon kasi ang nakatayo noon diyan ay iyong Orchids canteen kung hindi ako nagkakamali. At sa gilid ay mga school building na elevated na kahawig ng mga gabaldon building ngayon. Marami din akong mga alaala na hindi ko na makakalimutan. Noon wala pang highschool na kasama ang mga lalaki kaya inabsorb kami ng Sacred Heart Seminary na ngayon ay Chevalier School.